^

Bansa

Anti-GMA sa mall magra-rali

-
Tatapatan ng "mall tour" ng mga grupong anti-GMA ang pinatutupad na Calibrated Pre-emptive Response (CPR) o "no permit, no rally" ng pamahalaan.

Sinimulan na kahapon ng oposisyon sa pangunguna ng "Be Not Afraid" Group ang kanilang eksperimento at naglibot sa mga shopping malls sa Ayala Center, Makati City.

Naniniwala ang grupo na magiging epektibo ito dahil ang gagawin lamang nila ay magsusuot ng yellow t-shirt na may nakalagay na "GMA Resign!" at iikot sila sa mga mall na animo’y nagwi-window shopping.

Ngunit negatibo naman ang epekto nito sa mga shoppers dahil sa halip na makapag-unwind ang mga mamimili ay makaka-distract pa sila sa nagre-relax na shoppers.

Sa isinagawa namang press conference ni dating Pangulong Ramos sa Makati City, dinipensa nito ang pinatutupad na CPR.

Dapat din anyang isipin ng anti-PGMA na hindi lamang sila ang may mga karapatan. May karapatan din anyang mag-reklamo ang mga negosyante at mga pribadong empleyado dahil sila ang higit na naaapektuhan ng mga rally.

Panukala nito, kung may bakanteng lote sa bisinidad ng Business Central District ay ito ang gawing freedom park at dito idaos ang kanilang mga kilos-protesta. Hindi na sila nakakaabala sa daloy ng trapiko ay hindi pa nila maiistorbo ang mga negosyo at mga empleyadong pumapasok sa trabaho. (LBonilla)

AYALA CENTER

BE NOT AFRAID

BUSINESS CENTRAL DISTRICT

CALIBRATED PRE

DAPAT

LONILLA

MAKATI CITY

PANGULONG RAMOS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with