Base sa panukalang P1.053 trilyon budget para sa 2006, ang "confidential and intelligence expenses" ay P1,250,745,000, mas mababa kaysa sa kasalukuyang intelligence fund na P1,308,365,000 budget.
Ang pinakamalaking intelligence budget ay mapupunta sa Office of the President na nagkakahalaga ng P650 milyon, pangalawa ang DILG, P270 milyon. Kasama sa pondo ng presidente ang P500 milyon na ilalaan para sa Presidential Anti-Organize Crime Task Force.
Pangatlo sa pinakamataas ang DOJ, P121 milyon at DND, P11,572,000; Natl Intelligence Coordinating Agency, P31.24 milyon; DOTC, P18.4 milyon; PDEA, P15 milyon; DOF, P11milyon; Office of Vice Pres., P6 milyon: DENR at PCGG, P5 milyon, Ombudsman, P3 milyon, DepEd, P2 milyon at NSC, P1 milyon. (Malou Rongalerios)