Ang mga kwalipikasyon ay ang mga sumusunod: 1) magsisipagtapos ng high school ngayong school year 2) may general average na 82% pataas; at 3) nakapagtapos na ng mga nakaraang taon ngunit hindi pa naka-enrol saan mang technical school o unibersidad.
Para sa mga interesado, maaring magtungo ng personal sa PUP Registrars o Admission Office sa Ground Floor South Wing simula ika-1 hanggang ika-30 ng Setyembre; Nobyembre 7 hanggang Disyembre 9, 2005; at Enero 2-13, 2006. Magdala lamang ng dalawang 1 1/2 X 1 1/2 size ID picture (colored with name tag) at P300 entrance test fee.
Samantala, maaari ring magsumite ng aplikasyon online sa pamamagitan ng www.pup.edu.ph. Tinatanggap na rin ang group application sa pamamagitan naman ng mga Guidance Office ng ibat-ibang paaralang pangsekondarya.
Ang PUPCET ay nakatakdang ganapin sa ika-5 at ika-12 ng Pebrero 2006.
Para sa karagdagang detalye tumawag sa telepono bilang 71678-32 to 40 local 287.