Petrolyo, LPG tumaas uli!
September 25, 2005 | 12:00am
Muling gumalaw ang presyo ng mga produktong petrolyo kasunod ng panibagong pagtataas kahapon ng dalawang kumpanya ng langis.
Pinangunahan ng Shell Philippines ang .50 sentimong oil hike sa gasolina, diesel, kerosene at liquified petroleum gas (LPG).
Agad naman itong sinundan ng Caltex Philippines at Eastern Petroleum at inaasahang sasabayan din ng iba pang oil players sa bansa.
Ang nabanggit na pagtataas ay pang-19 na ngayong taon at hindi pa dito magtatapos dahil sa patuloy na pananalanta ng bagyong Rita sa Amerika.
Nabatid na pumalo na sa $2.31 hanggang $64.19 kada bariles ang palitan sa New York Mercantile habang sa Londons International Petroleum Exchange ay bumagsak na sa $2.16 hanggang $62.44. (Edwin Balasa)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest