^

Bansa

‘Mafia’ sa Mactan Cebu airport nabunyag

-
Nabunyag kamakailan ang diumano’y ‘Mafia’ sa Mactan-Cebu Int’l Airport na nakakopo ng P12 milyong kontrata taun-taon sa pagtatalaga ng 95 security guards sa paliparan na sinasabing pag-aari mismo ng general manager ng naturang paliparan.

Ayon sa impormante, walang gustong bumangga sa Philippine Aviation and Security Service Corp. (Passcor) pagdating sa mga bidding sa Mactan-Cebu airport, ito ang dahilan kung kaya nagsiatrasan ang tatlong kuwalipikadong bidders para sa P12-milyong kontrata kada taon para sa may 95 sekyus na siyang madaragdag sa hanay ng security personnel sa nasabing airport.

Ayon pa sa source na humiling ng anonymity, si MCIA General Manager Adelberto Yap umano kasi mismo ang chairman ng Passcor na siyang kumokopo sa mga kontrata sa paliparan, hindi lamang sa Cebu kundi maging sa ibang mga paliparan sa buong bansa.

Ang MCIA na pinamumunuan ni Yap ang nag-conduct ng bidding kung saan ang sarili niyang kumpanyang Passcor ang inanunsyo niyang nanalo.

vuukle comment

AIRPORT

AYON

CEBU

GENERAL MANAGER ADELBERTO YAP

MACTAN-CEBU

MACTAN-CEBU INT

NABUNYAG

PALIPARAN

PASSCOR

PHILIPPINE AVIATION AND SECURITY SERVICE CORP

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with