Recount sisimulan ng PET
September 24, 2005 | 12:00am
Pasisimulan nang ilipat sa Presidential Electoral Tribunal (PET) ang mga ballot boxes na nasa kustodya ng Kongreso kaugnay sa nakabinbing election protest na inihain ni dating Sen. Loren Legarda laban kay Vice Pres. Noli de Castro.
Sa resolusyong ipinalabas ng PET, sa Lunes ay sisimulan na ang pagkolekta sa mga balota. Hahakutin na ang may 200 ballot boxes mula sa pag-iingat ng House of Representatives at dadalhin sa gusali ng Korte Suprema.
Ang mga naturang balota ay bahagi lamang ng unang aspeto ng election protest ni Legarda.
Sa oras na mapunta na sa PET ang pangangalaga ng mga balota, agad na ring uumpisahan ang muling pagbilang sa nakuhang boto ng mga kandidato partikular sa labanang Legarda vs Noli hinggil sa nakaraang halalan. (Grace dela Cruz)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended