^

Bansa

Contraceptive patch kapalit ng pills

-
Magandang balita para sa mga kababaihan na nahihirapang uminom ng oral contraceptive pills araw-araw. Inilabas na ang contraceptive patch na bagong paraan na ginagamit sa pagpaplano ng pamilya.

Tinawag itong Ortho-Lavra, isang kulay light brown patch na katulad ng isang bandage at ipinakilala sa Pilipinas nitong taong kasalukuyan.

Ayon kay Family Planning expert Dr. Ricardo Gonzales, sa pamamagitan ng patch ay tuluy-tuloy nitong nilalabas ang hormones ng isang babae sa kanyang balat, daluyan ng dugo at pumipigil sa itlog ng babae.

Maaaring ilagay ang patch sa puwetan, tiyan, braso, o sa itaas na bahagi ng katawan, maliban sa dibdib.

Bukod dito, maaari pa ring maging aktibo ang isang babae tulad ng pagtatrabaho, paliligo at pag-e-exercise kahit na nakadikit sa kanilang katawan ang patch.

Karaniwang ang mga babaeng madalas na makalimot sa pag-inom ng pills ang siyang gumagamit ng patch.

Kailangang ilagay ang contraceptive patch sa loob ng isang linggo sa kahit saang bahagi ng katawan at matapos ang isang linggo ay maaari na itong palitan.

May kabuuang tatlong linggo ang paggamit nito hanggang sa maaari na itong itigil kung saan makakaranas ng pagdurugo ang isang babae tulad ng pagreregla.

Sa halagang P550 kada set ay maaari na itong mabili kung saan 50 porsiyento nito ay nakakabawas ng side effect tulad ng sakit sa ulo, gayunman, karaniwang side effect nito ay skin rashes sa pinaglagyan ng patch contraceptive. (Gemma Garcia)

AYON

BUKOD

DR. RICARDO GONZALES

FAMILY PLANNING

GEMMA GARCIA

INILABAS

ISANG

KAILANGANG

KARANIWANG

PATCH

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with