^

Bansa

Pagbiyahe ng anti-impeachment solons sa New York garapalan na

-
Garapalan na umano ang biyahe ng mga anti-impeachment solons na sumama kay Pangulong Arroyo sa New York kung saan umabot sa P25 milyon ang gastos ng gobyerno gayong wala namang gagawin ang mga ito sa meeting ng United Nations Security Council.

Naniniwala si Parañaque Rep. Roilo Golez na sa New York gagawin ang grand victory party ng mga kongresistang pabor na patayin ang impeachment complaint kaya karamihan sa mga ito ay sumama sa biyahe ng Pangulo.

Ayon kay Golez, maliwanag anyang isang pagtatapon ng pera ng taumbayan ang biyahe sa New York ng nasa 50 kongresista at gobernador na hindi pumabor sa impeachment complaint.

"Garapalan na talaga. The government, directly or indirectly, would spend around P25M for this indecent junket," ani Golez.

Ang mga kongresista ay tumutuloy sa Hilton Hotel na $500 ang upa sa kuwarto bawat araw. (Malou Rongalerios)

AYON

GARAPALAN

GOLEZ

HILTON HOTEL

MALOU RONGALERIOS

NANINIWALA

NEW YORK

PANGULONG ARROYO

ROILO GOLEZ

UNITED NATIONS SECURITY COUNCIL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with