OFW sa Saudi kulong sa pirated CDs
September 15, 2005 | 12:00am
Nagbabala kahapon ang Department of Labor and Employment (DOLE) sa mga manggagawang Pinoy sa abroad na huwag magdadala ng mga pirated CDs at VCDs itoy kasunod ng pagkakadakip sa isang OFW na hindi pinangalanan.
Hindi lamang sa Pilipinas at Amerika mahigpit na pinaiiral ang Anti-Piracy Law kundi maging sa Saudi.
Batay sa report na natanggap ni DOLE Sec. Patricia Sto. Tomas, paglapag ng OFW sa Dammam Airport sa Saudi Arabia ay inaresto ito matapos mahulihan ng 32 piraso ng pirated CDs sa kanyang bagahe.
Inamin ng naarestong OFW na balak niyang ibenta ang mga CD sa Saudi.
Hiningan ng Saudi Police ang OFW ng 16,000 Saudi riyals o P240,000 bilang multa. Nakahanda namang magbigay ng 3,000 Saudi Riyals ang employer nito bilang tulong. (Gemma Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended