Volunteer lawyer para kay Aguilar hanap
September 15, 2005 | 12:00am
Nanawagan kahapon ang grupo ng mga manggagawang Pinoy sa mga "volunteer lawyer" na ibigay ang kanilang serbisyo sa Pinay domestic helper na suspek sa pagchop-chop sa kapwa Pinay sa Singapore.
Sinabi ni Migrante chairperson Connie Bragas-Regalado, hindi sapat ang ginawang pahayag ng Department of Foreign Affairs (DFA) na magbibigay sila ng tulong upang makapunta sa Singapore ang asawa ni Guen Garlejo Aguilar, 29, ng Tagudin, Ilocos Sur kundi dapat tiyaking mabibigyan ito ng sapat na tulong upang maipagtanggol ang sarili.
Nagpahayag ng pagkadismaya si Regalado sa pagpayag ng DFA sa utos ni Magistrate Carolyn Woo na ikulong si Aguilar nang walang "access" ng kanyang abogado sa loob ng isang linggo.
Sinasabing napatay ni Aguilar ang kaibigang si Jane La Puebla, 26, ng Bagabag, Nueva Vizcaya.
Gayunman, inihayag ng embahada ng Pilipinas sa Singapore na nag-hire na sila ng lawyer na siyang tututok sa kaso ng suspek. (Ellen Fernando)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended