"Its embarassing, hes (Adan) not even popular to the junior officers of the AFP," anang isang heneral ng AFP na tumangging magpabanggit ng pangalan.
Ayon sa opisyal, hindi maganda ang reputasyon ni Adan noong kasalukuyan pa itong superintendent ng Phil. Military Academy (PMA) at hindi rin ito humawak ng Army Division kaya isang malaking hamon dito ang nasabing posisyon.
Ipinahiwatig pa ng opisyal na kulang ang karanasan sa pamumuno sa combat ni Adan para hawakan ang Southern Command na terorismo ang pangunahing operasyon.
Matatandaang sa halip na si Armys 4th Infantry Division Commander Major Gen. Samuel Bagasin ang ipalit sa nagretirong si Lt. Gen. Alberto Braganza ay si Adan ang itinalaga ni Pangulong Arroyo.
Kaugnay nito, lumutang ang mga bulungan na isa umanong general na sangkot sa "Hello Garci" ang nagbantang pipiyok kaya sa huling minuto ay nagbago ang desisyon ni Pangulong Arroyo at in-appoint si Adan sa halip na si Bagasin kahit wala ang pangalan ng una sa mga inirekomenda ng AFP Board of Generals. (Joy Cantos)