Anti-terror bill muna bago rali - DOT

Nakiusap na ang Department of Tourism (DOT) sa mga mambabatas na miyembro ng oposisyon na unahin na muna ang pagpapasa ng Anti-Terrorism Bill kaysa pangunahan ang mga kilos-protesta sa kalsada upang makatulong na mapataas ang bilang ng mga turista sa bansa.

Nanawagan kahapon si Philippine Tourism Authority (PTA) General Manager Robert Dean Barbers sa Kongreso na isulong na agad ang naturang panukalang batas upang maiwasan ang pinangangambahan na pagkatakot ng mga dayuhan dahil sa sitwasyon sa terorismo sa Pilipinas.

Kung maipapasa agad umano ito, makakadama ng seguridad ang mga dayuhan na bibisita sa bansa habang lalo lamang tayong lalayuan kung magtutuluy-tuloy ang mga rally sa lansangan.

Habang abala umano ang oposisyon na patalsikin si Pangulong Arroyo ay kumikilos na ang mga terorista upang samantalahin ang magulong sitwasyon ng pulitika sa bansa. (Ulat ni Danilo Garcia)

Show comments