^

Bansa

Rekonsilasyon alok ni GMA

-
Malugod na tinanggap ni Pangulong Arroyo ang naging resulta ng botohan sa House of Representatives na nagbasura sa kasong impeachment laban sa kanya.

Sinabi ng Pangulo na nagbigay ng magandang laban ang oposisyon sa isinulong nilang isyung impeachment. "The Filipino people marked a glorious day in history, when instead of forcing a President out of office through people power, they chose to keep a President through voting in the halls of Constitutional Democracy. This is a grand display of political maturity that sells our stability and resilience as a nation battling the vagaries of a challenging age, and poised to take-off," anang Pangulo sa kanyang press statement.

Dahil dito, inalok ng Pangulo ang oposisyon ng rekonsilasyon para sa pambansang kapakanan. Kailangan na anyang maitulak sa tamang direksyon ang pagsulong ng kabuhayan at progreso ng bansa.

Umapela din ang mga senador sa mga pro-impeachment congressmen na igalang ang naging desisyon ng Kongreso. Ito’y kasunod ng pahayag nina opposition Senators Rodolfo Biazon, Jinggoy Estrada at Loi Estrada na hindi pa tapos ang usapin sa impeachment complaint dahil nakasalalay pa ito sa taumbayan partikular na sa lansangan. (Ulat nina LATolentino/Rudy Andal)

CONSTITUTIONAL DEMOCRACY

DAHIL

HOUSE OF REPRESENTATIVES

JINGGOY ESTRADA

LOI ESTRADA

PANGULO

PANGULONG ARROYO

RUDY ANDAL

SENATORS RODOLFO BIAZON

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with