^

Bansa

Solon napilitang magbitiw sa Liberal Party

-
Nagbitiw bilang miyembro ng Liberal Party si Cagayan Rep. Florencio Vargas dahil umano sa pressure dito upang suportahan ang impeachment complaint laban kay Pangulong Arroyo.

Sa sulat na ipinadala ni Rep. Vargas kay Senate President Franklin Drilon na pangulo din ng LP, sinabi nitong kaya siya sumapi sa LP ay dahil sa ‘platform of governance’ at magandang reputasyon ng partido sa publiko.

Aniya, nahati ang LP dahil sa kasalukuyang krisis pulitikal partikular ang impeachment complaint kung saan ay nagkaroon ng party stand na suportahan ito.

Wika pa ni Vargas, mas pabor siyang manatili si Pangulong Arroyo at umiral ang status quo kaya napilitan na lamang siyang umalis sa partido.

Ayon sa isang source, na-pressure umano si Vargas dahil palagi daw itong tinatawagan ni Sen. Drilon upang suportahan ang impeachment complaint laban kay PGMA. (Ulat ni Malou Rongalerios)

ANIYA

AYON

CAGAYAN REP

DRILON

FLORENCIO VARGAS

LIBERAL PARTY

MALOU RONGALERIOS

NAGBITIW

PANGULONG ARROYO

ULAT

VARGAS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with