JDV nag-e-electric fan na lang
August 29, 2005 | 12:00am
Ipinagmalaki kahapon ni House Speaker Jose de Venecia na electric fan na lamang ang kanyang ginagamit sa bahay sa halip na air-condition bilang tugon sa panawagang pagtitipid sa enerhiya ng gobyerno.
Kasabay nito, hinikayat ni de Venecia ang iba pang kongresista na magtipid at gumamit na lamang ng electric fan sa kanilang tahanan at opisina upang mas bumaba ang konsumo sa kuryente.
Mas marami rin anyang benepisyo ang makukuha sa paggamit ng electric fan sa halip na air-condition na posible aniyang pagmulan pa ng trangkaso.
"Yong electric fan, mas healthy, hindi ka sisipunin at magkakaroon ng trangkaso," ani de Venecia.
Pero hindi binanggit ni de Venecia kung ano ang tatak ng electric fan na ginagamit nito sa kanyang condo unit sa Makati dahil ang asawa niyang si Gina de Venecia ang bumili nito.
Patuloy rin anya ang pag-aaral ng gobyerno sa mga alternatibong mapagkukunan ng langis sa gitna nang patuloy na pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo.
Plano ng gobyerno na palitan ng ethanol mula sugar cane ang 30 porsiyento ng gasolina sa loob ng susunod na tatlo hanggang limang taon.
Tinatayang aabot sa $1.5 bilyon ang halaga ng investments na kakailanganin sa pagtatayo ng ethanol plants sa mga rehiyong tinataniman ng sugar-cane.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended