49 minaltratong OFWs nakauwi na

May 49 overseas Filipino workers (OFWs) na na-stranded sa Saudi Arabia at biktima ng pagmamaltrato ng kanilang mga amo ang nakabalik na sa bansa kahapon. Sa kabila ng kasiyahan ay nagpaabot pa rin ang mga manggagawa ng kanilang hinanakit sa Arroyo administration dahil sa mabagal na aksyon na tulungan ang mga Pinoy workers na na-stranded sa Philippine Consulate sa Jeddah.

May 500 OFWs ang kasalukuyang stranded sa Saudi Arabia, 300 ay nasa Jeddah. Sila ay pawang biktima ng pambubugbog at hindi pinapasahod ng mga Arabong employer. (Ellen Fernando)

Show comments