Sinigurado ni Echiverri sa mga mamamayan na hindi maaapektuhan ang lungsod sa banta ng mga empleyado ng Ren Transport na titigil sila sa paghahakot hanggat hindi naibibigay ng kanilang kumpanya ang kanilang sapat na suweldo.
Sinabi ng alkalde na patuloy ang pagkolekta ng mga kolektor ng basura ng Ren na nakatalaga sa lungsod na hindi nakulong sa welga. Hanggang sa kasalukuyan umano ay on-schedule ang pagkolekta at walang backlog.
Kabilang sa mga lugar na siniserbisyuhan ng Ren sa lungsod ay Maypajo, West Grace Park, C-3 hanggang Rizal Avenue.
Nauna ng binalaan ni Echiverri ang mga kontraktor ng basura na puputulin niya ang kanilang serbisyo kapag hindi maayos na nahakot ang basura sa kanilang hurisdiksiyon.
Ayon dito, tinatayang 614 tonelada o 1,860 cubic meters ng basura ang nalilikha ng lungsod araw-araw.