Halik ni Bayani walang malisya Palasyo
August 26, 2005 | 12:00am
Matinding batikos ang inaani ngayon ni Metro Manila Development Authority (MMDA) Chairman Bayani Fernando dahil sa paghalik at pagyakap kay Viva Hot Babes Ana Leah Javier na nangyari sa paglulunsad ng MMDA TV program sa Club Filipino noong Lunes.
Naglabasan ang larawan ni Fernando sa mga pahayagan habang nakayakap kay Javier. Ilang beses ding hinalikan ni Fernando ang sexy star habang kumakanta ito sa entablado.
Pero walang nakikitang kahalayan dito ang Malacañang. Ayon kay Press Secretary at Presidential Spokesman Ignacio Bunye, hindi dapat lagyan ng malisya ang mga naturang larawan dahil nakunan ang mga ito habang nagkakatuwaan.
"It was done in the spirit of fun and it was part of the launching of the TV program," ani Bunye.
Sa isang panayam, sinabi naman ni Javier na walang kasalanan si Fernando dahil siya ang nagyaya na halikan siya.
"Niyaya ko si chairman. Kasi every time na nag-perform ako, kumukuha ako ng audience. Game naman po siya, walang malisya. Mabait po siya at hindi nagti-take advantage, malayo po siya kay Congressman Diaz," pahayag ni Javier.
Matatandaan na si Javier ang nagsampa ng sexual harassment case laban kay Zambales Rep. Antonio Diaz dahil sa isang insidente sa nabanggit na lalawigan. Nakabinbin sa ethics commitee ang reklamo. (Ulat nina Lilia Tolentino/Malou Rongalerios)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest