Ayon kay Cortes, ang mass transport system na ito ay makakatulong upang mapayabong ang takbo ng turismo at ekonomiya sa Central at Northern Luzon.
"There are 35 Chinese engineers in the country with their own equipment doing groundtesting and making sure that ony those properties owned by the Philippine National Railways (PNR) will be used for the project," wika ni Cortes.
Aniya, ang construction ay magiging full blast simula sa Oktubre kung saan ay inaasahang nasa ayos na lahat ang relokasyon ng mga residenteng tatamaan ng proyekto.
Siniguro kay Cortes ni Vice Pres. Noli de Castro na ang relokasyon ng mga residenteng tatamaan mula sa Caloocan City hanggang Valenzuela City ay makukumpleto na sa katapusan ng Setyembre. Anim na bilyong piso ang inilaan ng pamahalaan para sa relokasyon ng may 70,000 illegal tenants sa riles ng PNR.
Ang Phase 1 ng Northrail project ay tatakbo sa double-track railway na mayroong 6 stations mula Sangandaan, Caloocan City; Valenzuela City, Marilao, Bocaue, Guiguinto hanggang Malolos, Bulacan. Ang depot ng Northrail ay nasa Valenzuela City. (Rudy Andal)