^

Bansa

Construction ng Northrail sisimulan na

-
Inihayag kahapon ni Northrail president Jose Cortes Jr. na magsisimula na ang construction ng $420 milyong North Luzon Railways project na mag-uugay sa Metro Manila at Central Luzon simula sa Oktubre.

Ayon kay Cortes, ang mass transport system na ito ay makakatulong upang mapayabong ang takbo ng turismo at ekonomiya sa Central at Northern Luzon.

"There are 35 Chinese engineers in the country with their own equipment doing groundtesting and making sure that ony those properties owned by the Philippine National Railways (PNR) will be used for the project," wika ni Cortes.

Aniya, ang construction ay magiging ‘full blast’ simula sa Oktubre kung saan ay inaasahang nasa ayos na lahat ang relokasyon ng mga residenteng tatamaan ng proyekto.

Siniguro kay Cortes ni Vice Pres. Noli de Castro na ang relokasyon ng mga residenteng tatamaan mula sa Caloocan City hanggang Valenzuela City ay makukumpleto na sa katapusan ng Setyembre. Anim na bilyong piso ang inilaan ng pamahalaan para sa relokasyon ng may 70,000 illegal tenants sa riles ng PNR.

Ang Phase 1 ng Northrail project ay tatakbo sa double-track railway na mayroong 6 stations mula Sangandaan, Caloocan City; Valenzuela City, Marilao, Bocaue, Guiguinto hanggang Malolos, Bulacan. Ang depot ng Northrail ay nasa Valenzuela City. (Rudy Andal)

ANG PHASE

CALOOCAN CITY

CENTRAL LUZON

JOSE CORTES JR.

METRO MANILA

NORTH LUZON RAILWAYS

NORTHERN LUZON

NORTHRAIL

OKTUBRE

VALENZUELA CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with