Ayon kay BoC Commissioner Alex Arevalo, bukod sa pagkakaroon ng pasok ng araw ng Sabado, palalawigin din ang business hours mula sa dating alas-8 ng umaga hanggang alas-5 ng hapon ay gagawin na rin ito hanggang alas-7 ng gabi.
Inayunan naman ito ng Bankers Association of the Philippines na nag-extend rin ng kanilang banking hours para sa kagawaran mula alas-7 ng umaga hanggang alas-7 ng gabi, Lunes hanggang Sabado.
Sa kabila nito, walang matatanggap na overtime pay ang mga kawani alinsunod sa ipinatutupad na austerity measures ng gobyerno sa ilalim ng administrative order No. 103. Itinakda bilang regular work sa lahat ng mga kawani na papasok ng Sabado.
Naniniwala si Arevalo na malaki ang maitutulong ng ganitong hakbangin upang mapunan ang kakulangan ng budget ng gobyerno at maitaas ang koleksiyon ng buwis. (Gemma Amargo-Garcia)