Sinabi ni Akbayan Rep. Mario "Mayong" Aguja, malaki ang maitutulong ng P1.1 milyong halaga ng condom na maaaring ibigay sa mag-asawang nais magplano ng kanilang pamilya.
Bilang tugon sinabi ni Dr. Zahidul Huque, kinatawan ng UNPF sa Pilipinas na na-delay lamang ang delivery ng mga nasabing condoms dahil kailangan pa nitong dumaan sa quality control tests.
Ipinanukala ni Huque na gamitin ng mga kongresista ang kanilang Priority Development Assistance Fund o pork barrel sa pagbili ng contraceptives bilang tulong sa population control.
Idinagdag ni Aguja na nagiging malala ang problema sa populasyon dahil sa kawalan ng polisiya ng gobyerno kaugnay sa family planning.
Mainit pa rin ang pagtutol ng Simbahang Katoliko sa paggamit ng contraceptives bilang paraan sa pagpaplano ng pamilya.
Matatandaan na kabilang sa kontrobersyal na panukalang tinutulan ng Simbahang Katoliko ay ang two -child policy. (Ulat ni Malou Rongalerios)