P1.1-M condom sa Pinas
August 21, 2005 | 12:00am
Nakatakdang padalhan ng United Nations Population Fund (UNPF) ng $20,000 o P1.1 milyong halaga ng condom ang Pilipinas bilang pagtupad sa pangakong tumulong sa problema ng lumalaking populasyon ng bansa na naisasantabi dahil sa bangayan sa pulitika.
Sinabi ni Akbayan Rep. Mario "Mayong" Aguja, malaki ang maitutulong ng P1.1 milyong halaga ng condom na maaaring ibigay sa mag-asawang nais magplano ng kanilang pamilya.
Bilang tugon sinabi ni Dr. Zahidul Huque, kinatawan ng UNPF sa Pilipinas na na-delay lamang ang delivery ng mga nasabing condoms dahil kailangan pa nitong dumaan sa quality control tests.
Ipinanukala ni Huque na gamitin ng mga kongresista ang kanilang Priority Development Assistance Fund o pork barrel sa pagbili ng contraceptives bilang tulong sa population control.
Idinagdag ni Aguja na nagiging malala ang problema sa populasyon dahil sa kawalan ng polisiya ng gobyerno kaugnay sa family planning.
Mainit pa rin ang pagtutol ng Simbahang Katoliko sa paggamit ng contraceptives bilang paraan sa pagpaplano ng pamilya.
Matatandaan na kabilang sa kontrobersyal na panukalang tinutulan ng Simbahang Katoliko ay ang two -child policy. (Ulat ni Malou Rongalerios)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest