Ayon kay Atty. Domingo Alidon, presidente ng NEU, mas malaki sana ang matitipid ng ahensiya kung tatanggalin na sa puwesto ang may 22 co-terminus employees na napag-alamang sumasahod ng sobra-sobra.
Nabatid na mayroong 19 hakot na empleyado si Abad samantalang 5 naman kay Gascon na sumusuweldo ng hindi bababa sa P100,000-P300,000 kada isa.
Sa 24 co-terminus employee ay dalawa pa lamang sa mga ito ang nagbitiw sa puwesto at mayroon pang 22 natitira mula ng magbitiw sa kani-kanilang puwesto sina Abad at Gascon kaya humihingi ng paliwanag ang NEU sa pamunuan ng DepEd kung bakit nasa nasabing ahensiya pa ang 22 dito. (Ulat ni Edwin Balasa)