^

Bansa

22 ‘hakot’na DepEd employees pinasisipa

-
Kinondena ng Department of Education (DepEd) National Employees Union (NEU) ang patuloy na pamamalagi ng mga co-terminus employees nina resigned DepEd Sec. Florencio "Butch" Abad at dating Undersec. for Legal Affairs Chito Luis Gascon kahit na nagbitiw na ang mga ito sa puwesto.

Ayon kay Atty. Domingo Alidon, presidente ng NEU, mas malaki sana ang matitipid ng ahensiya kung tatanggalin na sa puwesto ang may 22 co-terminus employees na napag-alamang sumasahod ng sobra-sobra.

Nabatid na mayroong 19 hakot na empleyado si Abad samantalang 5 naman kay Gascon na sumusuweldo ng hindi bababa sa P100,000-P300,000 kada isa.

Sa 24 co-terminus employee ay dalawa pa lamang sa mga ito ang nagbitiw sa puwesto at mayroon pang 22 natitira mula ng magbitiw sa kani-kanilang puwesto sina Abad at Gascon kaya humihingi ng paliwanag ang NEU sa pamunuan ng DepEd kung bakit nasa nasabing ahensiya pa ang 22 dito. (Ulat ni Edwin Balasa)

ABAD

AYON

DEPARTMENT OF EDUCATION

DOMINGO ALIDON

EDWIN BALASA

FLORENCIO

KINONDENA

LEGAL AFFAIRS CHITO LUIS GASCON

NABATID

NATIONAL EMPLOYEES UNION

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with