^

Bansa

Ping talo sa civil case sa US court

-
Posibleng sumuko na lamang si Sen. Panfilo Lacson sa kasong sibil na isinampa sa kanya ng negosyanteng si Blanquita Pelaez at magbayad na lamang ng $31,000 o P1.7 milyon na damages kaysa iapela ang kaso.

Sinabi ni Sen. Lacson, pinayuhan siya ng kanyang abogadong si Atty. Sigfried Fortun na pumayag na lamang na bayaran ang sinasabing damages na hinihingi ni Pelaez dahil mas malaki ang magagastos sa lawyers fee kung iaapela pa nila.

Itinanggi rin ni Lacson na mayroong inisyung arrest warrant sa kanya ang US court matapos siyang matalo sa civil suit na isinampa ni Pelaez kaugnay sa ibinasura ni Lacson na kontrata nito sa PNP para mag-deliver sana ng 41,000 na posas ng Smith and Wesson.

Iginiit pa ng senador na kung dapat bayaran ang hinihinging damages ni Pelaez ay hindi dapat ito magmula sa kanyang sariling bulsa kundi dapat ang PNP ang magbayad nito dahil ito ang kanyang pinoprotektahan sa kuwestiyonableng kontrata.

Wika pa ni Lacson, pag-aaralan niyang mabuti kung hindi na niya iaapela ang kaso matapos siyang talunin ni Pelaez sa Lower Court.

Aniya, kung hindi siya haharap sa US Court sa darating na Sept. 7 ay baka doon ay mag-isyu ng warrant of arrest laban sa kanya kaya kinakailangan niyang dumalo sa hearing na ito.

Iginiit nito na wala siyang $700 milyon account at wala siyang properties gaya ng gustong palabasin ng mga nag-aakusa sa kanya. Aniya, nagkaroon siya ng account sa US bank pero naisara na ito noong 2001. (Ulat ni Rudy Andal)

vuukle comment

ANIYA

BLANQUITA PELAEZ

IGINIIT

LACSON

LOWER COURT

PANFILO LACSON

PELAEZ

RUDY ANDAL

SIGFRIED FORTUN

SMITH AND WESSON

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with