^

Bansa

‘Nagpatakas’ kay Garci gigisahin sa House

-
Nagdesisyon kahapon ang limang komite na nagsagawa ng imbestigasyon sa "Hello Garci" tapes na muling buksan ang pagdinig upang malaman kung paanong nakalabas ng bansa si dating Comelec Commissioner Virgilio Garcillano.

Sinabi ni Cavite Rep. Gilbert Remulla, chairman ng House committee on public information, nais alamin ng 5 komite kung sino ang mga responsable sa ‘pagkakatakas’ ni Garcillano kaya hihingan nila ng paliwanag ang mga opisyal ng Department of Foreign Affairs, Bureau of Immigration, Air Transportation Office, NAIA, Subic Air at Aviation and Security Commission.

Pansamantalang itinigil ang imbestigasyon dahil sa hindi pagsipot ni Garcillano sa patawag ng House of Representatives na naging dahilan para ipaaresto ito ng Kamara.

Inaasahang bubuksan ang imbestigasyoon sa Agosto 29.

Samantala, bumuo ang DOJ ng lima kataong magsisiyasat sa mga opisyal at kawani ng BI. Sinabi ni Justice Sec. Raul Gonzalez na maging si Immigration Commissioner Alipio Fernandez ay hindi sasantuhin ng gagawing imbestigasyon.

Kasabay nito, itinanggi naman ni BI Associate Commissioner Teodoro Delarmente ang ulat na siya ang nagproseso ng travel documents ni Garcillano kaya nakalipad ito patungong Singapore.

Handa anya siyang sumailalim sa imbestigasyon upang malinis ang kanyang pangalan. (Ulat nina Malou Rongalerios/Grace dela Cruz)

AIR TRANSPORTATION OFFICE

ASSOCIATE COMMISSIONER TEODORO DELARMENTE

AVIATION AND SECURITY COMMISSION

BUREAU OF IMMIGRATION

CAVITE REP

COMELEC COMMISSIONER VIRGILIO GARCILLANO

DEPARTMENT OF FOREIGN AFFAIRS

GARCILLANO

GILBERT REMULLA

HELLO GARCI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with