^

Bansa

‘Curfew’ sa gas stations!

-
Pinaikli na ang oras ng operasyon ng mga gasoline station, mula sa dating 24-oras ay 20 oras na lamang, bilang pakikipagtulungan sa ipinatutupad na pagtitipid sa enerhiya ng pamahalaan bunga ng krisis sa langis.

Isang memorandum of agreement ukol dito ng mga kompanya ng langis at gasoline station dealers ang nilagdaan kahapon sa Malacañang sa harap ni Pangulong Arroyo.

Sa ilalim ng kasunduan, ang mga gasolinahan ay magsasara mula alas-12 ng hatinggabi hanggang alas-4 ng umaga.

Sinabi ng Pangulo na ang sistemang ito ay naging matagumpay sa Thailand kung saan nakatipid ang nabanggit na bansa ng 5% ng konsumong langis.

Inendorso rin ng Pangulo ang paggamit ng coco biodiesel sa halip na purong gasolina. Sa bawat 100 litro ng gasolina o diesel, ang rekomendasyon ay maghalo ng isang litro ng biodiesel.

Umaabot na sa $63 bawat bariles ang presyo ng krudo sa world market.

"The attitude we need is calm, concern, tempered by a keen solidarity and awareness of the best collective means to meet this challenge. This is a strategic global problem and I am directing our secretary of energy to work closely with the secretary of foreign affairs to exert all diplomatic efforts to get cheaper oil or more stable supply arrangements," anang Presidente.

Sinabi rin ng Pangulo na sa inilunsad na Galing Pilipino Energy Conservation Program noong Hunyo, isa sa mga importanteng rekomendasyon sa mga tahanan ay ang paggamit ng ilaw na fluorescent.

Sinimulan na rin ng Pangulo ang paggamit ng diesel sa kanyang convoy. Hihigpitan na rin ang mga government vehicles na ginagamit sa mga personal na lakad at bawal din itong makita sa lansangan kung bakasyon at holiday. (Ulat ni Lilia Tolentino)

GALING PILIPINO ENERGY CONSERVATION PROGRAM

HIHIGPITAN

HUNYO

INENDORSO

ISANG

LILIA TOLENTINO

PANGULO

PANGULONG ARROYO

SINABI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with