Gasolina irarasyon
August 18, 2005 | 12:00am
Pinag-iisipan ng Malacañang na magpatupad ng pagrarasyon ng gasolina sa gitna ng kinakaharap na krisis sa langis.
Ayon kay Energy Sec. Rafael Lotilla, isa lamang ito sa emergency measures na pinaplano ng pamahalaan para puspusang makatipid sa langis dahil sa patuloy na pagtaas ng presyo ng krudo sa world market.
Kabilang pa sa measures ang pagtatakda ng regulasyon sa pagbebenta ng langis, paghihigpit sa paggamit ng government vehicles at kuryente, koleksiyon ng tagas ng langis para sa proyektong recycling, paglilimita sa paggamit ng aircon at pagtatakda ng oras ng pasok sa mga empleyado.
Nilinaw ni Lotilla na ang oil emergency measures ay hindi naman daan tungo sa posibleng pagkakaloob sa Presidente ng "emergency powers". (Ulat ni Lilia Tolentino)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended