Ipinaliwanag ni Mangudadatu na hindi sapat ang 20% natatanggap ng mga senior citizens dahil tumataas na ang presyo ng lahat ng uri ng bilihin at serbisyo.
Sinabi ni Mangudadatu na nag-iba na ang kondisyon ng pamumuhay sa Pilipinas kumpara noong ipasa ang Expanded Senior Citizens Act of 2003 o RA 9257.
Mas pinapalala pa aniya ang lagay ng ekonomiya ng kasalukuyang political crisis na nararanasan ng bansa.
Sa kanyang House Bill 4555, nais ni Mangudadatu na itaas ang discount na ibinibigay sa mga senior citizens, partikular na sa pagbili ng gamot, pagbabayad sa hotel, restaurant, entertainment, amusement, medical, dental at maging sa pamasahe.
Pero sa kasalukuyan, maraming senior citizens na ang nagrereklamo dahil may mga establisimiyentong hindi sumusunod sa ipinatutupad na 20% discounts na dapat ibigay sa kanila.
Kabilang na sa lumalabag sa RA 9257 ang mga botika na hindi nagbibigay ng tamang discount sa mga senior citizens dahil nalulugi na umano sila.