Sa mosyon na inihain ng abogado ni Estrada, nais din ng dating pangulo na payagan siyang magtungo sa Cardinal Santos Medical Center sa kaparehong araw sa ganap na alas-4 ng hapon para sa kanyang regular check-up.
Idaraos sa Agosto 20 ang anniversary celebration ng El Shaddai kung saan ipagdiriwang din ang birthday ni Velarde.
Ipinangako ng abogado ni Estrada na muli itong babalik sa kanyang villa sa Tanay, Rizal pagkatapos ng selebrasyon ng El Shaddai. Isusumite ang kanilang mosyon sa gagawing hearing sa Agosto 15. (Ulat ni Malou Rongalerios)