^

Bansa

Bagong testigo ni Ping ‘di aatras sa laban!

-
"Tuloy ang laban!

Ito ang ibinulalas na hamon kahapon ni Army Capt. Marlon Mendoza, sa kabila umano ng pagwasak sa kanyang kredibilidad bilang isa sa mga hawak na testigo ni Sen. Panfilo Lacson kaugnay ng umano’y dayaan noong 2004 national elections.

Ayon kay Mendoza, hindi siya natatakot sa mga banta sa kanyang buhay at tuloy ang kanyang pagharap sa imbestigasyon ng Senado ngayong araw.

Inamin ni Mendoza na nagtago siya matapos lumantad si La Vista payoff whistleblower Michaelangelo Zuce dahil tinutugis siya at ang kanyang pamilya ng Presidential Security Group (PSG). Maging ang kanyang mga kaibigan ay tinangka umanong suhulan upang ituro ang kanyang kinaroroonan.

Ibinulgar naman ni Sen. Panfilo Lacson na nakatanggap sila ng tawag mula sa pamilya ni Mendoza sa Batangas na may tatlong sasakyan ng PSG ang nakaparada sa paligid ng kanilang bahay kaya agad na humingi ng tulong ang senador sa parish priest ng Lemery, Batangas upang mailabas ang pamilya ng sundalo.

Nailabas din ang siyam na miyembro ng pamilya ni Mendoza sa pamamagitan ng ‘mini-people power’ ng parish priest at mga kapitbahay nito at sa kasalukuyan ay nasa safehouse na ang mga ito.

Ikinabahala ni Lacson ang tila mas lalong sumasamang ginagawa at ikinikilos ng Malacañang na tila may "undeclared martial law".

Pero tiniyak naman ni Lacson na sa kabila ng mga pananakot ay mas lalong determinado si Mendoza na humarap sa jueteng hearing upang ilabas ang kanyang mga nalalaman at suportahan ang testimonya ng La Vista payoff whistleblower na si Michaelangelo Zuce. (Ulat nina Joy Cantos at Rudy Andal)

vuukle comment

ARMY CAPT

BATANGAS

JOY CANTOS

KANYANG

LA VISTA

LACSON

MARLON MENDOZA

MENDOZA

MICHAELANGELO ZUCE

PANFILO LACSON

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with