^

Bansa

Gusto mong yumaman? Maging ‘witness’ ng oposisyon

-
Inihayag ni Bacolod City. Rep. Monico Puentevella na nagtatayo na ang hanay ng oposisyon ng isang "Philippine Witness Academy" kung saan sinasanay at tinuturuan ang mga testigong ilalabas laban kay Pangulong Arroyo.

Sa isang pahayag, sinabi ng chairman ng House committee on transportation na ang ginawang pagbaligtad ni jueteng witness Richard Garcia at ang pag-amin ng dalawang opisyal ng Comelec na inalok sila ng kampo ni Sen. Panfilo Lacson at dating Defense Sec. Renato de Villa ng pera at US visa upang magbigay ng pekeng alegasyon hinggil sa umano’y dayaan sa nakalipas na halalan ang nagpapatunay sa matinding hangarin ng oposisyon na makitang lumalayas ng Malacañang si Arroyo.

Ayon pa kay Puentevella, pamumunuan umano ni ret. PNP director Julius Yarcia ang sinasabing paaralan na magtuturo sa mga estudyante na maging kapani-paniwalang testigo upang maisulong ng oposisyon ang kanilang ambisyong mapatalsik sa puwesto ang Pangulo.

Naniniwala pa si Puentevella na ang ginawang pangangalaga nina Yarcia at iba pang tauhan ni Lacson kay Garcia at sa iba pang testigo ang nagbigay ng motibasyon sa oposisyon para magtayo ng PWA.

Kabilang umano sa mga tanyag na grumadweyt sa nasabing paaralan sina jueteng witness Sandra Cam, Boy Mayor at Michaelangelo Zuce.

BACOLOD CITY

BOY MAYOR

DEFENSE SEC

JULIUS YARCIA

MICHAELANGELO ZUCE

MONICO PUENTEVELLA

PANFILO LACSON

PANGULONG ARROYO

PHILIPPINE WITNESS ACADEMY

PUENTEVELLA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with