57 Pinoy inaresto sa Thailand
August 7, 2005 | 12:00am
May 57 manggagawang Pinoy ang inaresto sa Thailand at dumaranas ngayon ng ibat ibang uri ng karamdaman matapos na akusahan ng ilegal na pagpasok sa nasabing bansa sa kabila ng pagkakaroon nila ng legal na dokumento.
Sa pinakahuling report, sinasabing tatlong Pinay mula sa nasabing bilang na dinakip ang dinapuan at inaatake ng sakit na asthma, migraine at iba pang sakit habang nasa loob ng piitan.
Dahil dito, pinagpapaliwanag ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang pamahalaang Thailand hinggil sa ginawang pag-aresto sa mga Pinoy noong Hulyo 27, 2005.
Ayon kay Foreign Affairs Sec. Alberto Romulo, nagsumite na kahapon ng representasyon ang pamahalaan sa Thai government na humihiling na palayain ang 57 Pinoy.
Sinabi ng Kalihim na hindi nila kukunsintihin ang ating mga kababayan kung talagang may nagawang kasalanan ay marapat lamang na parusahan ngunit kung wala naman ay dapat na palayain.
Kumikilos na rin si Philippine Ambassador to Thailand Antonio Rodriguez para sa mabilisang aksyon at pagpapalaya sa mga inarestong Pinoy.
Iginiit naman ng Thai authorities na ang kanilang pagdakip sa 57 Pinoy ay bunsod ng kanilang paglabag sa Section 12 ng Thai Immigration Act.
Pumasok ang mga Pinoy sa nasabing bansa bilang mga turista ngunit lumalabas na may intensyong magtrabaho nang walang kaukulang dokumento. (Ulat ni Mer Layson)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended