^

Bansa

Jueteng hearing tapusin na!

-
Umapela ang mga kongresista sa Senado na tigilan na ang ginagawang imbestigasyon hinggil sa isyu ng jueteng matapos ang ginawang pagbaligtad ni jueteng witness Richard Garcia.

Sa pahayag nina Isabela Rep. Edwin Uy at Leyte Rep. Eduardo Veloso, pagpapatibay sa katwiran ang ginawang pahayag ni Garcia na isinubo lamang sa kanya ni Sen. Panfilo Lacson ang paratang na sangkot ang First Family sa operasyon ng illegal na sugal sa bansa.

Hiniling din ng mga kongresista sa Senado na burahin sa records ng Senate committees on public order and illegal drugs at games and amusement ang mga ibinigay na testimonya nina Garcia, Sandra Cam, Boy Mayor at Abraham Riva dahil napatunayan na tinuruan lamang ni Lacson ang mga nasabing testigo upang idiin ang pamilya Arroyo.

"The probe must now end after it has been established that politics was behind the conduct of the jueteng hearings. The Senate should also study ways on how to repair the harm done to the First Family because of the unsubstantiated charges of the witnesses," dagdag pa nina Uy at Veloso. (Ulat ni Malou Rongalerios)

ABRAHAM RIVA

BOY MAYOR

EDUARDO VELOSO

EDWIN UY

FIRST FAMILY

GARCIA

ISABELA REP

LEYTE REP

MALOU RONGALERIOS

PANFILO LACSON

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with