Iginiit kahapon ni Sen. Miriam Defensor-Santiago na naipakita ni ex-San Fernando, Masbate Mayor Cherry Abapo ang tunay na pagkatao ni Zuce bilang isang extortionist at isang fixer sa mga electoral protest sa Comelec matapos siyang "kikilan" ng P1.5 milyon kapalit ng pag-ayos umano sa protesta nito noong 2001 elections.
Ani Santiago, na-establish ang pagiging fixer, pangingikil at panloloko ni Zuce ng aminin nito sa Senate committee on public order and illegal drugs na tumanggap siya ng kabuuang P1.5 milyon mula kay Abapo.
Nabatid na handa raw tumestigo si Dy para magsalita kung totoo na isa siya sa mga nasa bahay ng Pangulo ng maganap ang umanoy suhulan.
Sinabi naman ni Press Secretary at Presidential Spokesman Ignacio Bunye na malayang makalalantad si Dy.
Wala anyang kontrol ang Malacañang sa desisyon ni Dy na lumutang basta sabihin lang nito kung ano ang katotohanan. (Ulat nina Rudy Andal/Lilia Tolentino)