^

Bansa

Testimonya ni Dy ‘di na kailangan — Miriam

-
Hindi na umano kailangan pa ang testimonya ni dating Isabela Gov. Faustino Dy sa imbestigasyon ng Senado dahil sapat na ang ginawang paglalarawan kay whistleblower Michaelangelo Zuce ng kinikilan nitong dating alkalde sa Masbate.

Iginiit kahapon ni Sen. Miriam Defensor-Santiago na naipakita ni ex-San Fernando, Masbate Mayor Cherry Abapo ang tunay na pagkatao ni Zuce bilang isang extortionist at isang fixer sa mga electoral protest sa Comelec matapos siyang "kikilan" ng P1.5 milyon kapalit ng pag-ayos umano sa protesta nito noong 2001 elections.

Ani Santiago, na-establish ang pagiging fixer, pangingikil at panloloko ni Zuce ng aminin nito sa Senate committee on public order and illegal drugs na tumanggap siya ng kabuuang P1.5 milyon mula kay Abapo.

Nabatid na handa raw tumestigo si Dy para magsalita kung totoo na isa siya sa mga nasa bahay ng Pangulo ng maganap ang umano’y suhulan.

Sinabi naman ni Press Secretary at Presidential Spokesman Ignacio Bunye na malayang makalalantad si Dy.

Wala anyang kontrol ang Malacañang sa desisyon ni Dy na lumutang basta sabihin lang nito kung ano ang katotohanan. (Ulat nina Rudy Andal/Lilia Tolentino)

vuukle comment

ANI SANTIAGO

FAUSTINO DY

ISABELA GOV

LILIA TOLENTINO

MASBATE MAYOR CHERRY ABAPO

MICHAELANGELO ZUCE

MIRIAM DEFENSOR-SANTIAGO

PRESIDENTIAL SPOKESMAN IGNACIO BUNYE

PRESS SECRETARY

RUDY ANDAL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with