Ayon sa mga mangingisda, idineklara ang naturang fish terminal na isang proyekto sa ilalim ng PEA para sa mga naapektuhan ng reclamation at R-1 road project sa Parañaque.
Dahil dito, sinabi ng grupo na unti-unti umanong pinapatay ng PEA ang hanapbuhay ng mga mangingisda dahil posibleng magkaroon ng pagbabago sa pagpapalabas ng panibagong alituntunin hinggil sa LGU bunga ng pag-iisyu ng "ARKABALAS" (cash ticket).
Kinondena din ng grupo ang PEA sa nilagdaan nitong kasunduan sa proyekto kung saan ang konsepto ng Fishermans Wharf ay isang social commitment ng gobyerno para sa mga maralitang residente na naapektuhan ng reklamasyon.
Idinagdag pa ng mga ito na hindi man lamang sinangguni ng PEA sa samahan ng mga mangingisda ang aksiyon na ikinagulat ng mga miyembro ng Fishermans Wharf.
Ikinatwiran naman ng PEA na malaki na ang kanilang nalulugi kung kayat ginawa nila umanong pambayad sa LGU ang nasabing fish terminal. (Ulat ni Lordeth Bonilla)