^

Bansa

Pamatong 'strike 3' sa impeachment

-
Sa ikatlong pagkakataon, naghain kahapon ng impeachment complaint si Atty. Elly "Spike boy" Pamatong laban naman kay Supreme Court Associate Justice Dante O. Tinga.

Sa kanyang 24-pahinang reklamo na inihain sa tanggapan ni House secretary general Roberto Nazareno, sinabi ni Pamatong na sinadya ni Tinga na i-delay ang pagpapalabas ng ‘final resolution’ kaugnay sa kanyang Certificate of Candidacy na ibinasura ng Comelec matapos siyang ideklarang ‘nuisance candidate’.

Dahil sa ginawa ni Tinga, nawalan anya siya nang pagkakataon na tumakbo bilang presidente ng bansa.

Kabilang si Pamatong sa 77 na presidential candidates na idineklara ng Comelec na ‘panggulo’ kaya nagreklamo ito sa SC.

Ayon kay Pamatong nagkasala si Tinga ng ‘culpable violation of the Constitution, betrayal of public trust, graft and curruption at violation of his oath of office.

Samantala, sinabi ni Pamatong na mayroon pa siyang dalawang linggo para makahanap ng mag-eendorso sa mga nauna niyang impeachment complaint na inihain naman laban kay Vice Pres. Noli de Castro at mga opisyal ng Comelec.

Kung walang mahahanap na endorser si Pamatong, ibabalik sa kanya ni Nazareno ang mga inihaing impeachment complaint.

Kinakausap na umano niya ang kanyang mga dating kaklase sa University of the Philippines na mga mambabatas na ngayon para iendorso ang kanyang reklamo. (Ulat ni Malou Rongalerios)

AYON

CERTIFICATE OF CANDIDACY

COMELEC

DAHIL

MALOU RONGALERIOS

PAMATONG

ROBERTO NAZARENO

SUPREME COURT ASSOCIATE JUSTICE DANTE O

TINGA

UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES

VICE PRES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with