^

Bansa

DOJ chief balak itumba ng NPA

-
Limang grupo umano ng Special Operations Group ng New People’s Army (NPA) ang ipinakalat na upang likidahin si Justice Secretary Raul Gonzalez.

Ayon kay Gonzalez, may natanggap siyang impormasyon mula sa military intelligence group na nagpaplano na umano ang rebeldeng grupo na patayin ang kalihim dahil sa pagbabanta nito na sasampahan ng kaso ang sinumang media personalities na maglalakas-loob na mag-ere ng kontrobersiyal na "Hello Garci" tape.

Nakasaad sa report na malaki na umano ang utang ni Gonzalez sa sambayanan dahil sa hindi pagbibigay umano ng pantay na hustisya sa bansa.

Gayunman, sinabi ng kalihim na hindi siya natatakot sa anumang death threats sa kanya at hindi pa rin nito titigilan ang pagtatanggol kay Pangulong Arroyo.

Ang nasabing intelligence report ay ipinamahagi na ng kalihim sa National Bureau of Investigation (NBI), Western Police District (WPD) at National Intelligence Coordinating Agency (NICA).

Itinanggi naman ng NPA na balak nilang ipapatay si Gonzalez. (Ulat ni Grace Amargo-dela Cruz)

vuukle comment

GONZALEZ

GRACE AMARGO

HELLO GARCI

JUSTICE SECRETARY RAUL GONZALEZ

NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION

NATIONAL INTELLIGENCE COORDINATING AGENCY

NEW PEOPLE

PANGULONG ARROYO

SPECIAL OPERATIONS GROUP

WESTERN POLICE DISTRICT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with