^

Bansa

Bonoan pinasisibak

-
Nais ipasibak ng isang grupo si Finance Undersecretary Emmanuel Bonoan bilang isa sa mga nagsusulong ng Expanded Value Added Tax Law dahil sa umano’y katiwalian. Ang ‘di nagpakilalang grupo ay nagpadala rin ng kanilang "open letter" sa Supreme Court, Department of Justice (DOJ) at kay Finance Sec. Gary Teves kung saan sinabi ng naturang grupo na ginagamit lamang umano ni Bonoan ang programa ng Department of Finance na Run After Tax Evaders (RATE) upang umano’y makapangikil mula sa sinumang opisyal ng Bureau of Internal Revenue at Customs. Bunga nito’y nagpahayag ng pagdududa ang di-nagpakilalang grupo sa kredibilidad ni Bonoan na mapamunuan ang programa ng DOF at ang pagrerepresenta nito sa mga pagdinig hinggil sa E-VAT. Gayunman, pinilit kunin ang pahayag ni Bonoan ngunit hindi ito pumasok sa kanyang tanggapan tulad ng sinabi ng secretary nitong si Bebot Alvarez. (Ulat ni Grace dela Cruz)

BEBOT ALVAREZ

BONOAN

BUREAU OF INTERNAL REVENUE

DEPARTMENT OF FINANCE

DEPARTMENT OF JUSTICE

EXPANDED VALUE ADDED TAX LAW

FINANCE SEC

FINANCE UNDERSECRETARY EMMANUEL BONOAN

GARY TEVES

RUN AFTER TAX EVADERS

SUPREME COURT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with