^

Bansa

Obrero mas matutuwa kay GMA kung dagdag-sahod ang inatupag

-
Wala sanang krisis pulitikal sa bansa at walang kinakaharap na impeachment complaint si Pangulong Arroyo kung ang inatupag nito bago mag-presidential election noong 2004 ay ang pagdadagdag sa sahod ng mga manggagawa at hindi ang sinasabing pagdadagdag sa kanyang boto.

Ito ang sinabi kahapon ni Bayan Muna Rep. Teddy Casiño sa gitna ng isyu ng ‘dagdag boto’ na ibinabato kay Arroyo at sa nakalimutan nang P125 wage increase na hinihingi ng mga manggagawa.

Ayon kay Casiño, puro dagdag sa boto na lamang ang pinag-uusapan sa ngayon at nakalimutan na ang dagdag na sahod ng mga manggagawa kahit patuloy na tumataas ang presyo ng mga pangunahing bilihin.

Kung pinakinggan kaagad aniya ng Pangulo ang kahilingan ng mga manggagawa na dagdagan ang kanilang sahod bago pa man mag-eleksiyon noong nakaraang taon, mas nakasiguro pa ito ng panalo at hindi na kailangan pang tumawag kay dating Comelec Commissioner Virgilio Garcillano.

"Noon pang 12th Congress nakahain yong P125 wage increase, pero hindi naman sinisertipikang urgent bill ng Malacañang, sana yon muna ang inuna bago ang dagdag-boto," ani Casiño.

Patuloy aniyang nananawagan ang mga manggagawa sa pagbibitiw sa puwesto ni Arroyo dahil mas naging prayoridad pa nito ang kasiguruhan na muling maluluklok sa puwesto kaysa sa kapakanan ng mga maliliit na empleyado.

Ipinaaalala pa ni Casiño na mas nauna pang maipasa ang mga tax measures ng Malacañang kaysa sa P125 wage hike na hinihingi ng mga manggagawa. (Ulat ni Malou Rongalerios)

AYON

BAYAN MUNA REP

CASI

COMELEC COMMISSIONER VIRGILIO GARCILLANO

IPINAAALALA

MALACA

MALOU RONGALERIOS

PANGULONG ARROYO

TEDDY CASI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with