^

Bansa

Walang anomalya sa loan contract

-
Nilinaw kahapon ni North Luzon Railway Corp. (Northrail) president Jose Cortes Jr. na mali ang akusasyon ni Senate President Franklin Drilon na mayroong anomalya sa nilagdaang loan contract sa pagitan ng gobyerno at Export-Import Bank of China (Eximbank).

Sinabi ni Cortes na nakahanda ang Northrail na busisiin ang nasabing kontrata na ngayon ay kinukuwestiyon ni Sen. Drilon dahil wala namang itinatago dito ang ating gobyerno.

Wika pa ni Cortes, ang nasabing kontrata ay government to government contract para sa pagbuhay ng ating riles sa Northern Luzon na nagmula sa loan na nagkakahalaga ng $520 milyon.

Aniya, hindi tama ang naging pagtataya ni Drilon na lubhang pabigat sa taumbayan ang nasabing loan dahil lumilitaw daw na P880 milyon ang halaga ng bawat kilometro ng gagawing riles na magmumula sa Sangandaan, Caloocan City hanggang Malolos, Bulacan para sa Phase 1 ng proyekto.

Ipinaliwanag pa ni Cortes, two-way track ang ginagawang bagong riles ng tren na may habang 64.4 kilometro kaya mali ang sinasabi ni Drilon na P880 milyon ang halaga ng bawat kilometro kundi ito ay nagkakahalaga lamang ng P366 milyon bawat kilometro. (Ulat ni Rudy Andal)

ANIYA

BULACAN

CALOOCAN CITY

DRILON

EXPORT-IMPORT BANK OF CHINA

JOSE CORTES JR.

NORTH LUZON RAILWAY CORP

NORTHERN LUZON

NORTHRAIL

RUDY ANDAL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with