^

Bansa

Undersecretaries masama ang loob kay GMA, magre-resign

-
Ibinunyag ni Justice Secretary Raul Gonzalez na masusundan pa ang pagbibitiw sa puwesto ng ilang mga miyembro ng Gabinete ni Pangulong Arroyo dahil may ilan umanong career officials ang hindi maitalaga sa puwesto sa kabila ng pananatili ng kanilang suporta sa liderato ng Pangulo.

Sinabi ni Gonzalez na may ilang mga undersecretaries ang masama ang loob matapos hindi ma-appoint bilang kapalit ng mga nag-resign na miyembro ng Gabinete partikular na ang Hyatt 10.

Aniya, tulad umano ni Finance Undersec. Emmanuel Bonoan na umano’y masama ang loob matapos na italaga si dating Landbank president Gary Teves. Ipinaliwanag ng kalihim na ilang beses na tumayong officer-in-charge si Bonoan sa Department of Finance kapalit ng nagbitiw na si Cesar Purisima. Nakasama pa si Bonoan sa ilang Cabinet meetings subalit hindi siya ang naitalaga sa puwesto. (Ulat ni Grace dela Cruz)

ANIYA

BONOAN

CESAR PURISIMA

DEPARTMENT OF FINANCE

EMMANUEL BONOAN

FINANCE UNDERSEC

GABINETE

GARY TEVES

JUSTICE SECRETARY RAUL GONZALEZ

PANGULONG ARROYO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with