Drilon hugas-kamay sa contempt vs Chavez
July 19, 2005 | 12:00am
Naghugas-kamay si Senate President Franklin Drilon kung nararapat bang ipakulong at kasuhan ng contempt si Atty. Frank Chavez sa ginawa nitong pakikipagtalo at pambabastos kay Sen. Richard Gordon kaugnay sa huling hearing ng Senado ukol sa jueteng payola.
Sinabi ni Sen. Drilon, ipinauubaya na niya sa desisyon nina Sen. Manuel Villar Jr. chairman ng senate committee on public order and illegal drugs, at Sen. Manuel "Lito" Lapid, chairman ng senate committee on games, amusement and sports, kung dapat bang patawan ng contempt si Atty. Chavez dahil sa inasal nito sa nakalipas na pagdinig ng komite ukol sa juetenggate scandal.
Magugunita na gumawa ng eksena si Chavez sa nakaraang hearing kung saan ay sinigawan nito si Sen. Gordon dahil sa ginawang serye ng pagtatanong ng mambabatas sa kanyang kliyenteng self-confessed jueteng bagwoman na si Sandra Cam.
Iginiit naman ni Sen. Bong Revilla na dapat ipakulong ng joint committe si Chavez dahil sa ginawa nitong pagwawala sa huling hearing ng Senado ukol sa jueteng.
Wika pa ni Sen. Revilla, tahasang paglabag sa section 13 ng Senate Rules ang ginawa ni Chavez dahil limitado lamang sa pagbibigay ng advice sa kanyang kliyente ang puwedeng gawin ng isang counsel at hindi ito maaaring makipag-argumento sa mga senador.
Samantala, magdaraos ng pagpupulong ngayong umaga ang miyembro ng senate committe on public order and illegal drugs upang pag-usapan kung dapat na bang tapusin ang criminal aspect tungkol sa pagdinig ng komite ukol sa jueteng para masentro na ang imbestigasyon sa panukalang legalisasyon nito. (Ulat ni Rudy Andal)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended