Kidnapping vs abogado
July 18, 2005 | 12:00am
Sinampahan ng kasong kidnapping at serious illegal detention ng Department of Justice (DoJ) sa Nueva Vizcaya Regional Trial Court (RTC) ang abogadong si Victor Padilla, asawa umano ng isang hukom.
Tinanggap ng DoJ ang 9-pahinang joint resolution na ipinalabas ng Nueva Vizcaya prosecutors office kung saan nakasaad dito na mayroong matibay na basehan upang isampa ang kasong kidnapping, serious illegal detention at 4-counts ng frustrated grave coercion laban kay Padilla, Mario Pagulayan at isang John Doe.
Kabilang din sa kinasuhan ng frustrated grave coercion sina Vicente Balubal, Rolando Balubal Sr. at Rolando Balubal Jr. at siyam na iba pang di kilalang suspects.
Ang kaso ay nag-ugat makaraang ireklamo ng may 100 pamilya ng mga magsasaka na pinamumunuan ng mag-amang Jose at Rogelio Malana si Padilla at ang mga umanoy tauhan nito dahil sa sapilitang pagpapaalis sa kanila sa lupang matagal nang ipinagkatiwala sa kanila ng Department of Environment and Natural Resources (DENR).
Batay sa reklamo, kinakamkam umano ni Padilla ang nasabing lupa at inaangkin ito, hanggang dumating ang pagkakataon na tinutukan na umano ng baril ng naturang abogado ang mag-amang Malana upang umalis ang mga ito sa nasabing lupain.
Hindi pa umano nasiyahan ay pinaalis ng abogado ang nasabing mga magsasaka at kinuha ang mga aanihing pananim ng huli na nagkakahalaga ng P20,000.
Idinetine umano ni Padilla ang mag-amang Malana sa dating tanggapan ng DENR upang papirmahin sa isang dokumento na hindi naman umano alam ng mga ito kung ano ang nilalaman.
Kung kayat noong April 5, 2005 ay nagsampa sa DoJ ang mag-amang Malana ng nasabing mga kaso na agad naman isinulong sa Nueva Vizcaya Prosecutors Office. (Grace dela Cruz)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
January 10, 2025 - 12:00am