Sa isinagawang political summit na ipinatawag ni House Speaker Jose de Venecia at dinaluhan ng 17 partido sa bansa, nagkasundo rin ang mga ito na magkaroon ng complete overhaul sa Comelec upang magkaroon ng kredibilidad ang mga susunod na eleksiyon sa bansa. Ang pagbabago lamang anila sa Comelec ang makapagbabalik sa integridad ng ahensiya.
Napagkasunduan din na magkaroon ng pondo ang gobyerno para sa mga political parties upang maiwasan ang panghihingi ng mga pulitiko ng campaign fund tuwing eleksiyon.
Pinasalamatan naman ni Pangulong Arroyo si de Venecia at 17 partido at pinaboran ang paglutas ng krisis pulitikal sa bansa sa pamamagitan ng impeachment at hindi sa pamamagitan ng pagbibitiw nito sa puwesto. (Ulat nina Malou Rongalerios/Lilia Tolentino)