^

Bansa

17 political parties payag sa Cha-cha

-
Nagkaisa kahapon ang iba’t ibang partido pulitikal na isulong ang pagbabago sa Konstitusyon bilang solusyon sa problemang kinakaharap ng bansa, mula sa kasalukuyang presidential ay gagawing parliamentary form of government.

Sa isinagawang political summit na ipinatawag ni House Speaker Jose de Venecia at dinaluhan ng 17 partido sa bansa, nagkasundo rin ang mga ito na magkaroon ng ‘complete overhaul’ sa Comelec upang magkaroon ng kredibilidad ang mga susunod na eleksiyon sa bansa. Ang pagbabago lamang anila sa Comelec ang makapagbabalik sa integridad ng ahensiya.

Napagkasunduan din na magkaroon ng pondo ang gobyerno para sa mga political parties upang maiwasan ang panghihingi ng mga pulitiko ng ‘campaign fund’ tuwing eleksiyon.

Pinasalamatan naman ni Pangulong Arroyo si de Venecia at 17 partido at pinaboran ang paglutas ng krisis pulitikal sa bansa sa pamamagitan ng impeachment at hindi sa pamamagitan ng pagbibitiw nito sa puwesto. (Ulat nina Malou Rongalerios/Lilia Tolentino)

COMELEC

HOUSE SPEAKER JOSE

KONSTITUSYON

LILIA TOLENTINO

MALOU RONGALERIOS

NAGKAISA

NAPAGKASUNDUAN

PANGULONG ARROYO

PINASALAMATAN

VENECIA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with