Major sibak sa anti-GMA leaflets
July 7, 2005 | 12:00am
Sinibak na ang isang Army major na kasapi ng elite Scout Rangers matapos umanong mamahagi ng mga polyetos na nananawagan ng pagpapalit ng liderato sa gobyerno sa gitna na rin ng kontrobersiyal na "Gloriagate scandal".
Ayon kay Major Gen. Hermogenes Esperon, commander ng Special Operations Command, sinibak na niya si Maj. Jason Aquino dahil sa mali nitong inasal.
Base sa intelligence report, si Aquino na operations chief ng First Scout Ranges Regiment-Airborne ang siya umanong namahagi ng pamphlets na pinamagatang "The New Order".
Bukod kay Aquino, tinukoy rin si Col. Gregorio Catapang na diumanoy sangkot sa anti-government plots, subalit itinanggi ng opisyal ang alegasyon.
Binigyang-diin ni Esperon na apolitical" ang AFP at dahil dito ay mahigpit na ipinagbabawal ang pakikisawsaw sa pulitika. (Ulat ni Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended