^

Bansa

Ex-governor, 7 iba pa kinasuhan ng malversation

-
Isang dating gobernador ng Sarangani at pito sa kanyang mga opisyal ang kinasuhan ng malversation sa Sandiganbayan dahil sa pekeng pagpapalabas ng pondo na hindi naman ibinigay sa mga tindera sa palengke ng naturang lalawigan noong 2002.

Maliban kay ex-Gov. Miguel Escobar, kinasuhan din sina dating Vice Gov. Felipe Constantino, Provincial administrator Perla Maglinte, Provincial board member Margie Rudes, Eugene Alzate, Provincial treasurer Cesar Cagang, management at audit analyst Vevencia Telesforo at executive assistant Amelia Zoleta.

Inirekomenda ng Ombudsman ang P40,000 piyansa para sa bawat akusado.

Base sa records, noong Mayo 27, 2002, isang disbursement voucher na nagkakahalaga ng P300,000 ang ipinalabas nina Escobar at Constantino bilang tulong pinansyal sa Maglungon Market Vendors Association ng bayan ng Maglungon, Sarangani.

Upang mapalabas na lehitimo ang assistance program, nagpalabas pa umano ng mga supporting documents ang mga akusado pero hindi naman ipinagkaloob ang pera sa dapat pagbigyan.

Ang pondo ay ini-withdraw sa account ng provincial government sa Development Bank of the Philippines (DBP). (Malou Rongalerios)

vuukle comment

AMELIA ZOLETA

CESAR CAGANG

DEVELOPMENT BANK OF THE PHILIPPINES

EUGENE ALZATE

FELIPE CONSTANTINO

MAGLUNGON MARKET VENDORS ASSOCIATION

MALOU RONGALERIOS

MARGIE RUDES

MIGUEL ESCOBAR

PERLA MAGLINTE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with